BAYAN NG LABO AT MERCEDES, TINUNGO UPANG MAGDAOS NG MULTI SERVICES CARAVAN

BAYAN NG LABO AT MERCEDES, TINUNGO UPANG MAGDAOS NG MULTI SERVICES CARAVAN

Matagumpay na nakapaghatid ng tulong sa mga mamamayanna ikinatuwa naman ng mga residente sa pamamagitan ng Multi Services Caravan noong February 24 at 26, 2021 sa bayan ng Labo at Merceedes ang Team Gawa sa pangunguna ni Cong. Josie Tallado.

Tatlong barangay sa Labo ang personal na pinuntahan ng Team Gawa kasama na ang Brgy. Lugui, Tulay na Lupa at Benit, habang sa bayan naman ng Mercedes ay ang Mambungalon, Manguisoc at Cayucyucan.

Namigay ng tsinelas, reading glass, gamot at food packs bilang tulong sa mga nangangailang mamamayan ng mga nasabing barangay.

Ang Multi-Services Caravan ay isa sa pangunahing programa ni Governor Tallado na nagpapatuloy sa kasalukuyan simula nang siya ay manungkulan noong taong 2010 na sa kanyang paniniwala na ang kalusugan ay kayamanan hindi lamang ng isang indibidwal kundi ng ating bansa na ang katatagan, pagka-produktibo at kaunlaran ay nakasalig sa malulusog na mga mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.