Camarines Norte – Malugod na sinalubong ng mga residente mula sa tatlong (3) barangay ng Mercedes, Camarines Norte ang team ng Provincial Multi Services Caravan sa kanilang paghatid ng ibat ibang serbisyo ng kapitolyo ngayong araw, February 26, 2021.
Ang nasambit na mga barangay ay ang Cayucyucan, Mambungalon at Manguisoc.
Labis ang katuwaan ng mga residente matapos na mahatidan ng mga serbisyo katulad ng libreng serbisyong medikal at dental. Kaugnay nito ay namahagi rin ng mga libreng gamot at bitamina.
Hindi rin nawala ang pamamahagi ng mga seedlings na pananim, libreng salamin para sa mga matatanda, libreng tsinelas naman para sa mga bata at libreng mga faceshields para sa mga namamarangay.
Patok naman ang libreng gupit sa mga kalalakihan at mga kababaihan gayundin ang hot oil.
Personal na naroon si Gobernador Egay Tallado kasama si Congresswoman Marisol “Toots” Panotes, Vice Governor Elect Jonah Pimentel, Acting Vice Governor Concon Panotes, 2nd District Board Members Stanley Alegre, Atoy Moreno at Former Board Member Pol Gache, todo rin ang suportang ipinagkakaloob ni Former Mayor Alex Lo Pajarillo upang maging parte rin ng pamamahagi at paghahatid ng saya sa mga mamamayan.
Ramdam ng mga Punong Barangays ang ginagawang pagtulong ni Governor Egay sa ganitong panahon ng COVID-19 sa pamamagitan ng mga libreng serbisyo at mga proyektong pinapakinabangan katulad ng Covered Court at konkretong kalsada kung kaya’t nagpahayag sina PB Felix Abanto (Cayucyucan), PB Niño Bautista (Mambungalon) at PB Eduardo Cañarejo (Manguisoc) ng buong suporta sa Team Gawa.
Umabot sa kabuuang 2,279 households sa 3 coastal barangays ang masayang natanggap ang mga libreng serbisyo hatid ng Pamahalaang Panlalawigan.