TECH4ED CENTERS NG CAMARINES NORTE, MULING TUMANGGAP NG PARANGAL MULA SA DICT

TECH4ED CENTERS NG CAMARINES NORTE, MULING TUMANGGAP NG PARANGAL MULA SA DICT

Muling tumanggap ng parangal at pagkilala ang Tech4Ed Centers ng Pamahalaang Pnalalawigan mula sa Depertment of Information Communication and Tehnology o DICT sa isinagawa na “Search for the Most Outstanding Tech4Ed Centers of Luzon Cluster 3 for the Year 2020”.

Tatlo sa Tech4Ed Centers ng lalawigan ang tatanggap ng tig-iisang unit ng Lenovo Tab M10 at Certificate of Recognition.

Kabilang dito ang Outstanding Tech4Ed Center (LGU) – Camarines Norte Provincial Capitol Tech4Ed Center, (Center Manager – Jing Arriola Calimlim), Emerging Tech4Ed Center – Camarines Norte PWD Knowledge Resource & Tech4Ed Center (Center Manager- Dr. Rex Bernardo), at Outstanding Tech4Ed Center (other model) – BIMP Labo District Jail Tech4Ed Center (Center Manager – JO2 Norberto Ferrer).

Ang criteria na naging batayan ng DICT sa kanilang evaluation process ay, Socio Economic Impact na 35, Innovativeness na 30% Productivity na 20%, at Parttnership and Networking na 15%.

Matatandaan na noong taong 2019 ay tumanggap din ng ilang mga parangal gaya ng mga nabanggit ang Tech4Ed Cebters ng Oamahalaang Panlalawigan at naging finalist ang PWDKR and Tech4Ed Center bilang Emerging Center.

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2021/03/FB_IMG_1614758467233-150x150.jpg

Leave a Reply

Your email address will not be published.