GET TO KNOW ME, HINIPAAN FALLS!

GET TO KNOW ME, HINIPAAN FALLS!

Sa pagpapatuloy ng ating hugot sa mga falls ng CamNorte, halina at makipagkapaan ng feelings sa Hinipaan Falls. Welcome dito ang mga nakikipaglaro ng taguan – tagu-taguan ng feelings na kung saan ay nasa getting to know stage pa kayo.

Sakto rin ito sa mga mag MU (mutual understanding) o yung mga relasyong wala pang label so kapaan ng feelings ang peg.

Dahil medyo challenging itong puntahan ay medyo makakapa mo na rito kung ang target mo ay husband/wife material o kung iiwan ka lang sa ere.

Ang maganda rito sa pagpunta sa Hinipaan Falls ay bukod sa falls mismo ay mararating mo rin ang dalawang ilog na sigurado ring ma-eenjoy mo.

Una mong mararating ay ang Hinipaan River na kung saan ay mayroon nang resort. May mga cottages na rito na kung saan puwede na kayong magpahinga at kumain. Puwede na rin kayong maligo sa malamig at malinaw na tubig.

Ang ikalawang ilog ay medyo makitid at mababaw lang na dapat tawirin upang marating ang falls. Parang sa paghahanap ng forever na kapag natawid mo na ang major obstacle ay medyo malapit ka na sa finish line.

Finally kapag narating mo na ang falls ay mabibighani ka sa kakaibang ganda nito dahil ito ay may dalawang tier o level. Mayroon itong malamig at napakalinaw na tubig. Ang pool nito ay katamtaman lang ang lalim at sakto sa mga gusto lang magtampisaw at magswimming.

Isa pa sa kakaibang katangian ng falls na ito ay ang kanyang view deck. Dito ay makikita mo ang napakagandang view ng San Miguel Bay. Ito ay maaaring akyatin mula sa baba ng falls.

Ang falls na ito y matatagpuan sa Barangay Hinipaan sa bayan ng Mercedes. Mula sa Daet pumunta lamang sa terminal ng jeep. Sumakay sa biyaheng Hinipaan at bumaba sa Barangay Hall. Dito ay kailangang magpatala at kumuha ng tour guide. Kinakailangang magtrek o maglakad ng isa’t kalahati hanggang dalawang oras bago makarating sa falls.

Marami pang falls ang ating pag-uusapan sa kwento ng “Chasing Waterfalls Series” kaya abangan ang mga susunod nating destinasyon.

Nagsulat: CRESENCIO B. ADLAWAN
Photo courtesy of Provincial Tourism Operations Office

Leave a Reply

Your email address will not be published.