6 NA BARANGAY SA BAYAN NG VINZONS, HINATIRAN NG MULTI SERVICES CARAVAN; GROUNDBREAKING NG DIVERSION ROAD/BYPASS ROAD, ISINAGAWA NG TEAM GAWA

6 NA BARANGAY SA BAYAN NG VINZONS, HINATIRAN NG MULTI SERVICES CARAVAN; GROUNDBREAKING NG DIVERSION ROAD/BYPASS ROAD, ISINAGAWA NG TEAM GAWA

Camarines Norte – Mainit na panahon, tawid dagat at kahit malayo mang barangay, hindi ito pinalampas ni Governor Egay Tallado ng Provincial Government kasama ang Team Gawa bitbit ang programang Multi Services Caravan upang makapaghatid ng libreng serbisyo sa bayan ng Vinzons.

Maghapon ng April 8, 2021, tinungo ng Serbisyong Tallado ang anim na barangay sa nabanggit na bayan at ito ay ang Sula, Cagbalogo, Sabang, Aguit It, Matango at Manlucugan. Nakatanggap ang mga barangays ng iba’t ibang serbisyo katulad ng libreng tsinelas, gamot, gupit, dental services, libreng reading glasses, food packs at iba pa. Ang pamamahagi rin ng faceshields para sa mga barangay upang mapahalagahan ang kanilang kalusugan sa mga sakit tulad ng COVID-19.

Sa kasagsag-sagan rin ng init ng panahon gayundin ang ginawang mainit na pagtanggap ng Lokal na Pamahalaan ng Vinzons sa pangunguna ni Mayor Nory Segundo at iba pang Sangguniang Bayan Members sa grupo ng caravan sa pamumuno ni Director Boy Reyes.Isang makasaysayang programa rin ang ginawa at ito ay ang Groundbreaking Ceremony ng Construction of Diversion/Bypass Road na magsisimula sa Sula, Vinzons na siya ring mag-uugnay patungong Cory Aquino Boulevard na may paunang halaga na PhP110 Million at ito ay inisyatibo ni Governor Tallado upang maisakatuparan ang naturang proyekto.

Sa pahayag ni Mayor Nory Segundo, napakalaki at napakahalaga ang maging tulong ng proyektong ito sa pagpapaunlad at pagbabago ng kanilang bayan.Malaki umano ang epekto at tulong nito sa ekonomiya dahil ang halagang Php110M ay tanging iikot lamang sa bayan ng Vinzons at makakatulong rin sa iba pang bayan kung kaya’t bilib ito kay Governor Tallado dahil hindi umano siya nakakalimot sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang tanggapan sa National at malalaking proyekto ang ibinababa nito sa bawat bayang kanyang nasasakupan.

“Saludong saludo po ako sa realisasyon kung kaya’t ako naman po ay tatanaw ng utang na loob sa napakalaking proyektong hatid at darating pa mula kay Gov. Egay, patuloy ang pagsuporta ng inyong lingkod sa grupo ng Team Gawa”, dagdag pa ni Mayor Segundo.Dumalo rin sa aktibidades sa maiksing programa sina Vice Governor Elect Jonah Pimentel, Acting Vice Governor Concon Panotes, 2nd District Board Stanley Alegre, Renee Herrera, Atoy Moreno at PCL President Nards Baning. Present rin sina Former Board Members Gerry Quiñones at Pol Gache na kung saan nagsilbing buhay na saksi sa isinagawang groundbreaking at sumuporta sa Multi Services Caravan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.