NALUNOD NA LALAKI SA DAET RIVER, NATAGPUAN NA ANG KATAWAN

NALUNOD NA LALAKI SA DAET RIVER, NATAGPUAN NA ANG KATAWAN

Natagpuan na ang nawawalang katawan ng nalunod na lalaki sa may bahagi bg Daet River sa Purok-4, Brgy. Bibirao sa Bayan ng Daet, alas 2:40 kahapon, March 9, 2021.

Ito ay sa pamamagitan ng isinagawang Search and Retrival Operation ng MDRRMO-Daet.

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2021/03/FB_IMG_1615362925844-150x150.jpg

Kinilala ang biktima na si Franklin Del Valle y Balandra, 30 anyos, residente ng Purok-1, Brgy, Maisug, San Lorenzo Ruiz.

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2021/03/FB_IMG_1615362961246-150x150.jpg

Marso 7, 2021 nang maiulat na nawawala ang biktima na sinasabing manghuhuli lamang ng isda sa Brgy. Bibirao.

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2021/03/FB_IMG_1615363018775-150x150.jpg

Dinala ang mga labi nito sa St. Peter Funeral Homes sa Brgy II Daet habang magsasagawa naman ng imbestigasyon ang mga awtoridad kaugnay ng nasabing insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published.