2,900 HOUSEHOLDS MULA SA 6 NA BARANGAY NG CAPALONGA, NAKATANGGAP NG LIBRENG SERBISYO HATID NG MULTI-SERVICES CARAVAN

2,900 HOUSEHOLDS MULA SA 6 NA BARANGAY NG CAPALONGA, NAKATANGGAP NG LIBRENG SERBISYO HATID NG MULTI-SERVICES CARAVAN

Camarines Norte – Todo ang suporta ng inyong lingkod, Congresswoman Josie Baning Tallado sa magandang programa na Multi-Services Caravan hatid ng Provincial Government of Camarines Norte sa pangunguna ni Governor Egay Tallado kasama ang Team Gawa.

Buong araw ng March 11, 2021, tinungo ng Caravan ang anim na barangay sa bayan ng Capalonga at ito ay ang Mataque, Catabaguangan, Alayao, Old Camp, Magsaysay at Tanawan upang maghatid ng libreng serbisyo sa halos 2,900 households ng mga ito.

Mainit na pagtanggap ang ginawa ng mga Punong Barangays sa Team Gawa sa dahilang marami ang nakikinabang ng ganitong klaseng paglilingkuran lalo na at libre katulad ng tsinelas, gupit, hot oil, bunot ngipin, tsek up, mga gamot, faceshield at foodpacks.Sa mensahe ni PB Christopher Buesing ng Mataque, hindi makakalimutan ng kanyang mga kabarangay ang ginawang caravan dahil marami ang natulungan ng Serbisyong Tallado.

Ang kanya ring pasasalamat sa napakaraming proyekto hatid nina Governor Egay at Congresswoman Josie Baning Tallado katulad ng Evacuation Center at konkretong kalsada na ginagawa na sa kasalukuyan.Nagsagawa naman ng Groundbreaking Ceremony ng Water Potable System na nagkakahalagang Php50M na magsisimula sa Mataque patungong Poblacion, Capalonga na lalong nagpasaya sa mga dumalo sa caravan dahil may proyekto na namang hatid ng Serbisyong Tallado para sa kanila.

Katuwang rin sa ginawang caravan sina Vice Governor-Elect Jonah G. Pimentel at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan na sina 1st District Board Members Artemio Serdon at Aida Dasco, Former Board Member Muriel Pandi at Paracale Councilor Nestor Manarang. Nakiisa rin sa aktibidades si Mayor Luz Ricasio ng LGU-Capalonga.Pinangasiwaan ng Capalonga MPS ang mahigpit na pagpapatupad ng health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield upang maiwasan ang posibleng pagkahawa mula sa COVID-19.Samantala, bukas araw ng Biyernes (March 12, 2021), tutunguhin ng grupo ng Multi-Services Caravan ang mga barangay ng Malibago, Malaya at Canapawan sa bayan ng Labo.

Ang Multi-Services Caravan ay bahagi ng hakbangin ng Team Gawa upang makatulong sa mga pami-pamilya sa kabila ng pandemya sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng serbisyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *