BUONG PWERSA NG TEAM GAWA, NAGHATID NG MULTISERVICES CARAVAN SA 6 BARANGAY NG BAYAN NG STA. ELENA

BUONG PWERSA NG TEAM GAWA, NAGHATID NG MULTISERVICES CARAVAN SA 6 BARANGAY NG BAYAN NG STA. ELENA

Labo, Camarines Norte – Araw ng Lunes, March 15, 2021, tinungo ng Serbisyong Tallado at Team Gawa sa pangunguna nina Congresswoman Josie Baning Tallado at Governor Egay Tallado ang bayan ng Sta. Elena upang maghatid ng programang Multi-Services Caravan para sa 6 na barangay na mula sa Provincial Government of Camarines Norte .

Ang anim (6) na barangay na ito ay ang Patag Ibaba, Maulawin, Guitol, Villa San Isidro at Basiad na kung saan umabot sa 2,176 na households ang napagserbisyuhan ng nasabing programa . Samantalang nagpadala na lang ng 185 foodpacks para sa barangay Patag Ilaya dahilan sa maputik at mahirap na daan epekto ng lumipas na mga pag-ulan kung kaya’t na hindi nakapasok ang grupo ng Caravan sa naturang lugar.

Kasama rin sa aktibidades sina Vice Governor Elect Jonah Pimentel at Acting Vice Governor Concon Panotes. Full support naman ang Sangguniang Panlalawigan Board Members Renee Herrera, Atoy Moreno, Stanley Alegre, Aida Dasco at ABC President Ramon Baning. Present rin sina Former Board Member Muriel Pandi at Paracale Councilor Nestor Manarang upang iparamdam ng grupo ang kanilang suporta kay Board Member Serdon sa kanyang kaarawan.

Todo suporta rin sina Mayor Dina Borja at Vice Mayor Dyep Mendoza kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng LGU-Sta. Elena, gayundin si Former Mayor Milet Mendoza na sumasaludo sa ginagawang pagtulong ng Serbisyong Tallado sa panahon ng pandemya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.