ISANG BAGONG KASO NG COVID-19, NAITALA SA BAYAN NG DAET; LGU, NAGLABAS NG OPISYAL NA PAHAYAG

Muling nakapagtala ng isang (1) bagong kaso ng COVID-19 ang bayan ng Daet sa lalawigan ng Camarines Norte nitong nakaraan na araw, March 13, 2021 base sa ipinalabas na talaan ng Department of health (DOH).

Kaugnay nito, naglabas ng opisyal na pahayag si Mayor Benito “B2K” Ochoa ukol kay Bicol #4990.

Ayon dito, si Bicol #4990 ay isang senior citizen, 63 taong gulang, babae at nakatira sa Barangay I sa naturan na bayan.

Wala itong travel history habang inaalam pa ng kinauukulan ang history of exposure nito.

Kasalukuyan din umano na naka-isolate sa Leon Hernandez Hospital ang pasyente.

Umapela rin ang alkalde ng koopersyon mula sa mga mamamayan lalo na ang pagsunod sa mga health and safety protocol upang maiwasan ang lalo pa na pagkalat ng naturang sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published.