Sinimulan na ngayong araw ang pagbabakuna sa mga health workers sa lalawigan ng Camarines Norte matapos na matanggap kahapon ang unang batch ng AztraZeneca vaccines.
Mag-aalas-9 ng umaga kanina ng umpisahan ang vaccination roll out sa lalawigan na ginanap na Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH).
Ayon sa PHO, hindi bababa sa isangdaang health workers kada araw ang babakunahan sa probinsya.
Kabilang sa mga unang binakunahan si Acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco na sinabing kinakailangan talaga ang pagpapabakuna upang makatulong sa pagpuksa sa kasalukuyang kinakaharap na pandemya dulot ng COVID-19.
Sinaksihan ni Governor Edgardo Tallado ang unang batch ng pagbabakuna sa lalawigan bilang pagsuporta sa programa ng pamahalaan.
Sinabi rin nito na kung maaari lamang na isa siya sa mga unang makatanggap ng bakuna ay magpapabakuna ito ngunit hindi umano ito maari dahil hindi siya kabilang sa priotity list na mabakunahan.