TOURISM OPENING DRY RUN, ISINAGAWA NG PTO-CAM NORTE SA CENTENIAL WHARF SA BAYAN NG TALISAY

TOURISM OPENING DRY RUN, ISINAGAWA NG PTO-CAM NORTE SA CENTENIAL WHARF SA BAYAN NG TALISAY

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2021/03/IMG_20032021_184424_650_x_400_pixel-150x150.jpg

Nagsagawa ng dry run ang Provincial Tourism Office sa pangunguna ni tourism officer Bong Palma kasama ang mga kinatawan mula sa Municipal Tourism Office ng mga bayan ng Talisay, Mercedes at Vinzons, Phil Coast Guard at Marina sa Centennial Wharf sa Bgy. San Jose, Talisay, Camarines Norte.

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2021/03/received_275684587510081-150x150.jpeg

Ito ay bilang paghahanda sa muling pagbubukas ng turismo sa mga island at coastal areas ng Vinzons, Mercedes at Talisay. Dito kasi matatagpuan ang pamosong Calaguas Island, at seven island hopping escapade.

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2021/03/received_758079628240677-150x150.jpeg

Isinagawa ito upang ipahatid sa mga dadayong mga lokal at dayuhang turista ang tamang proseso na naaayon sa oras ng pagdating at pag-alis sa destinasyong pupuntahan. Ilang mga standard procedures ang tinalakay na naaayon sa health standard protocols na ipinatutupad sa kaligtasan na rin ng mga dadayong mga turista.

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2021/03/received_449734382901518-150x150.jpeg

Samantala, naglabas naman ng hinaing ang Mercedes Tourist Boat Owners Association o MTBOA sapagkat maaarin umanong mabawasan ang kanilang kinikita sa paghahatid ng mga pasahero sa mga kalapit na isla.

Ipinaliwanag naman ni Palma na ang kanilang prangkisa ay pampasahero at di na umano pwede ang “do it yourself” attitude ng mga boat operator.

Kailangang magparehistro muna ang mga ito sa Municipal Tourism Office na nakakasakop sa kanila upang mabigyan ng permit na maghatid at sumundo ng mga turista.

Orlando Encinares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *