Matagumpay na naidaos ng LGU-Daet ang Blood Letting Program nito kahapon, sa pamamagitan ng Municipal Blood Council at pakikipagtulungan ng Bicol Medical Center (BMC) na idinaos sa LGU-Daet Municipal Covered Court.
“Dugong-Alay, Dugong-Buhay” ang tema ng isinagawang programa bilang bahagi ng National Voluntary Blood Services Program para sa unang quarter ng taon, 2021.
Kabuuang 81 bags o katumbas ng 450cc ng dugo ang nalikom sa naturang programa.
Kabilang sa mga donors ay mula sa mga barangay sa bayan ng Daet, LGU employees at mayroon ding walk-ins mula sa iba’t ibang lugar sa lalawigan.
Tumanggap naman ng tig-3 kilo ng bigas ang mga nagdonate ng dugo bilang insentibo mula kay Daet Mayor Benito S. Ochoa.
Nanguna sa naturang programa si Municipal Blood Program Coordinator Mr. Marc Delfinado katuwang sina Councilor Eliza H. Llovit, MHO Dr. Laurene Tejada at naki-isa rin sina Municipal Admnistrator Joan Kristine De luna at Dr. Armila Salagoste-Salazar.
Layon ng Blood Letting Program na makatulong sa pagsalba ng buhay partikular ng mga nangangailangan na masalinan ng dugo.