FREE ANTI-RABIES VACCINE, HANDOG NG LGU DAET

Magkakaroon ng Free Anti-Rabies Vaccine Event ang Pamahalaang Lokal ng Daet sa pamumuno ni Daet Mayor Benito “B2K” Ochoa sa darating na March 20 at 27, 2021, alas 3:00 hanggang alas 6:00 ng hapon sa Bagasbas Beach, Daet, Camarines Norte.

Ito ay isasagwa sa pamamagitan ng Municipal Veterinary Office (MVO) katuwang ang Municipal Administrators Office (MAO).

Bukod sa pagpapabakuna ng mga alaga na hayop at pusa, maari rin sila kumuha ng mga larawan kasama ang mga pet na dadalhin sa aktibidad maging ang mga aso ni Mayor Ochoa na nagsponsor din ng photobooth para sa event.

Tema ng naturang aktibidad ay “Maging Responsableng Amo, Huwag Hayaang Gumala ang alagang Pusa’t Aso”.

Ito ay bilang bahagi ng Rabies Awareness Month kung saan katuwang din ang Camarines Norte Dog Owners Association.

Leave a Reply

Your email address will not be published.