FUR-PARENTS, INAANYAYAHAN NG LGU-DAET SA KANILANG FREE ANIT-RABIES VACCINATION EVENT

Inaanyayahan ng Lokal na Pamahalahaan ng Daet ang mga mayroong alaga na aso at pusa o fur-parents na dumalo sa kanilang ilulunsad na Free Anti-Rabies Event.

Gaganapin ito sa dalawang magkasunod na Sabado ng buwan, March 20 at 27, simula alas 3:00 hanggang alas 6:00 ng hapon sa Bagasbas Beach Daet Camarines Norte.

Ang tema ng naturang aktibidad ay “Maging Responsableng Amo, Huwag Hayaang Gumala ang alagang Pusa’t Aso”.

Personal umano na dadalo sa naturang aktibidad ang Mayor ng LGU-Daet, Benito “B2K” Ochoa kasama ang kaniyang fur-babies.

Maglalagay din umano ng photobooth section sa venue para sa Photo-Ops Session ng mga dadalo rito.

Isasagwa ang aktibidad sa pamamagitan ng Municipal Veterinary Office (MVO) katuwang ang Municipal Administrators Office (MAO).

Leave a Reply

Your email address will not be published.