‘SEMINAR ON STARTING MY OWN SMALL BUSINESS’, INILUNSAD NG LGU-DAET

Naglunsad ng isang seminar kaugnay ng pagsisimula ng isang negosyo ang Pamahalaang Lokal ng Bayan ng Daet (LGU-Daet) para sa mga mamayan nito kanina, March 19, 2021 na nagsimula ng alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.

Ang naturang seminar ay tinawag na “Seminar on Starting My Own Small Business” na ginanap sa Barangay Hall, Alawihao, Daet Camarnes Norte.

Pinangunahan ang aktibidad ng Public Employment Service Office (PESO) – Daet katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Trade and Industry (DTI) at ang PWD-Damayan Association.

Layon nito na mabigyan ng kaalaman ang mga mamayan na makapagsimula ng kanilang sariling negosyo sa pamamagitan ng maliit na simula na magiging malaking tulong sa kabuhayan ng mga ito lalo na ngayon na mayroong pandemya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.