SERBISYONG TULOY TULOY: 6 NA BARANGAY SA PARACALE, TINUNGO NG MULTI SERVICES CARAVAN

SERBISYONG TULOY TULOY: 6 NA BARANGAY SA PARACALE, TINUNGO NG MULTI SERVICES CARAVAN

Camarines Norte – Walang mapagsidlan ang kasiyahan ng anim na barangay ng Paracale matapos silang puntahan ng Multi-Service Caravan bitbit ang iba’t ibang serbisyo na nagmula sa Provincial Government of Camarines Norte sa pangunguna ni Governor Egay Tallado katuwang si Congresswoman Josie Baning Tallado, maghapon ng March 19, 2021.

Ang mga barangay na ito ay ang Malaguit, Palanas, Bagumbayan, Maybato, Dalnac at Malacbang.

Umabot sa 4,719 households ang nakatanggap ng libreng serbisyo katulad ng gamot, gupit, dental services, tsinelas, libreng reading glasses, faceshields, food packs at iba pa:

1. Malaguit – 547

2. Palanas – 1,314

3. Bagumbayan – 1,479

4. Maybato – 272

5. Dalnac – 650

6. Malacbang – 457

Nagpahayag ng iba’t ibang mensahe ang ilang Punong Barangay para sa kanilang mainit na pagtanggap ng grupo ng Caravan:

“Hanga ako sa pinapakitang pagmamahal ng Team Gawa, kung kaya bilang namumuno dito andito ako at lumalapit sa aking mga kabarangay na patuloy nating suportahan sina Gov. Egay at Cong. Josie sa tuloy tuloy na serbisyo para sa atin”, pahayag ni PB Elmer Gapoy ng Malaguit.

“Naramdaman namin ang walang patid na serbisyo hatid ng #TeamGawa at halos pabalik-balik sila sa aming bayan lalo na si Congresswoman Josie Baning Tallado bitbit ang iba’t ibang tulong na pinapamahagi sa aking mga kabarangay kung kaya’t patuloy ang aming suporta at pagmamahal sa inyo Gov. Egay at Cong. Josie, silang nagbibigay ng totoong malasakit maabot lamang kaming mga nangangailangan”, mensahe ni PB Wilfredo Tenorio ng Bagumbayan.

Sa mensahe ni Former Mayor Lourdes “baby” Villamonte sinabi nito na patuloy ang kanyang pagsuporta kaisa ang Pamahalaang Panlalawigan sa mga kagayang programa para sa taumbayan.

Hindi rin nawawala ang suporta ng Sangguniang Panlalawigan Members sa pangunguna ni Vice Governor Elect Jonah Pimentel, Board Members Artemio Serdon, Aida Dasco, Former Board Member Muriel Pandi.

Present rin sina Councilor Nestor Manarang, Councilor Amie Oco, Councilor Julius Adecer ng LGU-Paracale, at ilang kawani ng Provincial Government sa pangunguna ni Caravan Director Boy Reyes.

Sa loob ng 13 taon na pag-iikot sa 282 barangays ng probinsya ng Camarines Norte, taun-taon walang patid ang paghahatid ng libreng serbisyo ng Multi-Services Caravan. Malayo man o malapit, maging kabundukan at kapatagan o sa tawid dagat, nararamdaman ng taumbayan ang totoong paglilingkuran ng Serbisyong Tallado, may eleksyon man o wala.

“Patunay po ito na hindi natin kailangang maghintay ng panahon ng eleksyon para lumabas, tumulong at magserbisyo dahil araw-araw ng panunungkulan ng inyong lingkod ay iniaalay natin sa walang patid na serbisyo publiko na may tunay na pagmamahal at malasakit”, mensahe ni Cong. Josie Baning Tallado.

Pinangasiwaan ng Paracale MPS sa pangunguna ni PMAJ Elezaldy Calingacion ang mahigpit na pagpapatupad ng health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield upang maiwasan ang posibleng pagkahawa mula sa COVID-19.

Ang Multi-Services Caravan ay bahagi ng hakbangin ng Team Gawa upang makatulong sa mga pami-pamilya sa kabila ng pandemya sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng serbisyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *