SPES 2021 QUALIFICATIONS, INANUNSIYO NA NG PESO-DAET

Nagsimula na muli tumanggap ng application ang Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Daet (LGU-Daet) ng mga nagnanais na makabilang sa Special Program for Employment of Students 2021 (SPES).

Ayon dito, bukas ang programa para sa lahat ng College StudentsVocational Course students at mga Out of School Youth.

Kinakailangan lamang na nasa edad 21 hanggang 30 ang aplikante at mamamayan ng bayan ng Daet, Camarines Norte.

Kabilang din sa mga dokumento na kailangan isumite ay Photocopy of Birth Certificate, Latest Income Tax Return (ITR) o Certification mula sa BIR  na ang mga magulang o tumatayo na magulang ay walang binabayaran na Tax.

Kinakailangan din  na walang kasalukuyan na scholarship ang isang aplikante, at kailangan din ng dokumento kaugnay ng mga grado nito, walang kasalukuyan na Scholarship at mga mageenroll sasusunod na School Year (S.Y.)

Ang Application, Interview, at Pre-Screening ay magsisimula sa March 22 hanggang 31 (working days) sa tanggapan ng PESO-Daet

Leave a Reply

Your email address will not be published.