MAYOR “B2K”, NAKIISA SA SIMULATION EXERCISE PARA IMPLEMENTASYON NG VACCINATION KONTRA COVID-19 SA BAYAN NG DAET

Matagumpay na naisagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Daet ang “Simulation Exercise” nito para sa implementasyon ng COVID-19 Vaccination Program sa naturang bayan.

Personal na dumalo sa aktibidad si Daet Mayor Benito “B2K” Ochoa sa pagsasagawa ng aktibidad na ginanap sa Gregorio Pimentel Elementary School, Barangay Pamorangon at sa Covered Court ng Barangay V.

Pinangunahan ito ng mga kinatawan ng Department of Health (DOH), Provincial Health Office, Municipal Health Office, Rural Health Unit I at Rural Health Unit III.

Ang “Simulation Exercise” ay isa sa mga requirement ng DOH upang matiyak ang kahandaan ng LGU-Daet sa pagsasagawa ng pagbabakuna kontra COVID-19.

Ayon sa obserbasyon ng DOH ay pasado sa pamantayan ang isinagwang “simulation exercise” ng LGU-Daet kung kaya’t sinimulan na rin ang aktual na pagbabakuna pagkatapos ng nasabing aktibidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *