Idineklara ng PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) bilang Drug-Cleared ang 40 barangays sa lalawigan ng Camarines norte kahapon, March 23, ganap na alas-otso umaga sa Little Theater, Capitol Compound, Daet Camarines Norte.
Ang Assessment, Approval and Declaration of Barangay Drug-Cleared Status ay pinasimulan ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing na pinangunahan ng PDEA-Regional Office sa pamumuno ni Atty. Gil T Pabilona, Regional Director sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan nito sa Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte sa pamumuno ni Governor Edgardo Tallado na personal na dumalo sa programa.
Ang 40 barangay na kabilang sa mga idineklarang na drug-cleared ay siyam (9) na barangay mula sa Bayan ng Basud (Caayunan, Laniton, Matnog, Mocong, Plaridel, Poblacion 1, Taba-Taba, Tacad and Taisan); isa (1) mula sa bayan ng Sta Elena (Kabuluan); lima (5) mula sa bayan ng Jose Panganiban (Bagong Bayan, Larap Motherlode, San Rafael, Sta. Rosa Norte); lima (5) mula sa bayan ng Paracale (Dalnac, Malacbang, Mangkasay, Maybato and Tabas); Sampu (10) mula sa bayan ng Labo (Anameam Benit, Bayabas, Bagong Silang, Cabatuhan, Cabusay, Calabasa, Guisican Malangcao Basud and Pag-asa); dalawa (2) mula sa bayan ng Vinzons (Banocboc and Sabang); at walo (8) mula sa bayan ng talisay (Binanuaan, Calintaan, Del Carmen, Poblacion, San Francisco, San Jose, Sta. Cruz and Sto. Niño).
Naki-isa rin sina PCol Julius D Guadamor , Acting Provincial Director, katuwang ang PCAD (Police Community Affairs Development) sa pamumuno ni PLTCol Rogelyn P Calandria, Chief PCAD, Chiefs of Police, CAD PNCOs ng mga Municipal Police Stations kasama ang mga Municipal Health Officers at Punong Barangays.
Nagtapos ang programa sa pamamagitan ng mensahe mula kay Atty. Pabilona at Gov. Tallado na sinabing sila ay umaasa na sa susunod ay mas marami pang barangay ang maideklarang drug-cleared sa lalawigan sa pamamagitan ng mas pina-igting na laban kontra droga.