LGU-DAET SIMULATION EXERCISE, PASADO SA DOH

Pasado na sa Department of Health (DOH) ang isinagwa na Simulation-Exercises ng Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Daet (LGU-Daet) kahapon sa Gregorio Pimentel Elementary School, Barangay Pamorangon at sa Covered Court ng Barangay V.

Ang naturang simulation exercises ay para sa implementasyon ng COVID-19 Vaccination program sa naturang bayan na kinakailangan upang masiguro ang kahandaan ng naturang bayan sa isasagawa na pagbabakuna.

Personal na dumalo ang mga kawani ng munisipalidad sa pangunguna ni Mayor Benito “B2K” Ochoa.

Sinaksihan ito ng mga kinatawan ng Department of Health (DOH), Provincial Health Office, Municipal Health Office, Rural Health Unit I at Rural Health Unit III.

Leave a Reply

Your email address will not be published.