Dumating na ang ikalawang batch ng COVID-19 vaccine sa Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH) kahapon, March 24.
Nasa 400 vials ng Sinovac vaccine ang dumating sa lalawigan na ipamamahaginsa iba’t ibang Rural Health Unit (RHU) na karamihan ay nagsimula na rin kanilang vaccination rollout.
Ayon kay Acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco, katumbas ng 200 doses ng bakuna ang natanggap ng lalawigan.
Matatandaan na noong nakaraang linggo dumating ang unang batch ng mga AztraZeneca vaccines kung saan umabot sa halos 900 health workers sa lalawigan ang nabakunahan mula sa iba’t ibang ospital at mga RHU.
Kaugnay nito, kamakalawa ay nagkaroon ng pagpupulong sa Provincial Capitol ang mga opisyal ng DOH Bicol at Provincial Office gayundin ang mga alkalde tungkol sa vaccination.