6 NA MGA BARANGAY MULA SA BAYAN NG SAN VICENTE AT TALISAY, HINATIRAN NG MULTI SERVICES CARAVAN NG TEAM GAWA

6 NA MGA BARANGAY MULA SA BAYAN NG SAN VICENTE AT TALISAY, HINATIRAN NG MULTI SERVICES CARAVAN NG TEAM GAWA

CAMARINES NORTE – Anim na mga barangay mula sa bayan ng San Vicente at Talisay ang hinatiran ng Multi Services Caravan mula sa Provincial Government of Camarines Norte nitong Biyernes, March 26, 2021 sa pangunguna ni Governor Egay Tallado at Team Gawa.Hindi naging hadlang ang sama ng panahon bagamat malakas ang ulan upang hindi matuloy ang paghahatid ng libreng serbisyo ng umaga at ito ay ang mga barangay ng Calabagas, Cabanbanan at Man-Ogob ng bayan ng San Vicente.

Samantalang, mainit na sikat ng araw naman ang sumalubong sa grupo kasabay ng mainit na pagtanggap ng mga barangay ng Sta. Elena, Del Carmen at San Jose ng bayan ng Talisay parteng hapon.Kabahagi rin ang Sangguniang Panlalawigan sa pamumuno ni Vice Governor Elect Jonah Pimentel, Acting Vice Governor Concon Panotes, 2nd District Board Members Stanley Alegre at Atoy Moreno.

Hindi rin nagpahuli sina Former Board Members Gerry Quiñones at Pol Gache na kung saan patuloy ang kanilang pagsuporta sa naturang aktibidades.Abala man at maraming trabaho sa Kongreso, dumalo rin si 2nd District Congresswoman Marisol Panotes upang saksihan ang nagpapatuloy na programang hatid para sa barangay.

Kabuuang 2,914 households mula sa anim na mga barangay ang nakatanggap ng iba’t ibang serbisyo katulad ng libreng tsinelas, gamot, gupit, dental services, libreng reading glasses, food packs at iba pa. Ang pamamahagi rin ng faceshields para sa mga barangay upang mapahalagahan ang kanilang kalusugan sa mga sakit tulad ng COVID-19.

1. 1,563 households – (Calabagas, Cabanbanan at Man-Ogob) ng San Vicente

2. 1,351 households – (Sta. Elena, Del Carmen at San Jose) ng Talisay

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *