Dalawampung miyembro ng New Peoples Army (NPA) ang sumuko sa Barangay Dogongan, Daet, Camarines Norte kanina l, March 29, bandang alas-dos ng hapon.
Ang mga sumukong miyembro ng CPP-NPAs ay kinabibilangan ng walong (8) surrendered CTGs mula sa KP1; lima (5) mula sa KP3 at pito (7) mula sa KP5.
Kasabay ng pagsuko ng nabanggit na 20 rebelde ay ang pagkakarecover din ng mga armas mula sa kanila.
Pinangunahan ang programa ng Camarines Norte Police Provincial Office sa pamumuno ni PCol Julius D Guadamor, Acting Provincial Director ng CNPPO, na dinaluhan din ng National, Regional at Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict.
Ang Oath of Allegiance naman ay pinangunahan ni Camarines Norte Governor Edgardo Tallado kasabay ng pagbabahagi nito ng mensahe.
Ginanap din ang removal of CPP-NPA vestments sa mga dating rebelde, nagkaroon din ng signing of Manifesto, sinunog rin ang effigy at NPA flags.
Nagpalipad rin ng mga kalapati bilang simbolo ng kalayaan at waving of Philippine Flaglets kaisa ang mga dumalo at mga rebel returnees.
Samantala, nagbahagi rin ng kaniyang mensahe si PBGen Bartolome R Bustamante, PRO5 Regional Director na hinikayat ang mga miyembro ng CTG na sumuko na rin tungo sa pagkakaroon ng matiwasay at mapayapang komunidad.