Binigyang papugay at pagkilala ang mga “Natatanging Juana” ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte, kanina, March 31 na ginanap sa Capitol Grounds.
Ito ay bilang bahagi ng pagdiriwang sa huling araw ng selebrasyon ng National Women’s Month Celebration 2021 na may temang, “Juana Laban sa Pandemya: Kaya!”
Pinangunahan ito ng CNPG Employees Welfare Association (CNPGEWA) sa pamumuno ni Engr. Joel Segundo sa pakikipagtulungan sa Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno naman ni Governor Edgardo Tallado.
Ilan sa mga natanggap ng mga “natatanging Juana” ng lalawigan ay mga bulaklak, grocery basket at nagkaroon din ng paggawad ng sertipiko ng pagkilala.
Dinaluhan ito ng mga kawani mula sa iba’t ibang departamento ng Pamahalaang Panlalawigan habang siniguro naman ang implementasyon ng health protocols kaugnay ng kasalukuyang kinakaharap na pandemya.