SPECIAL CARAVAN ISINAGAWA SA PAGDIRIWANG NG WOMEN’S MONTH CELEBRATION, PINANGUNAHAN NG PGCN KATUWANG ANG PSWDO

SPECIAL CARAVAN ISINAGAWA SA PAGDIRIWANG NG WOMEN’S MONTH CELEBRATION, PINANGUNAHAN NG PGCN KATUWANG ANG PSWDO

Daet, Camarines Norte – Pinangunahan ng Provincial Government of Camarines Norte (PGCN) sa pamumuno ni Governor Egay Tallado katuwang ang Provincial Social Welfare and Development Office sa pangunguna ni Acting PSWDO, Cynthia Dela Cruz ang isang Special Caravan bilang tugon sa mga programa sa kababaihan sa pagdiriwang ng Women’s Month Celebration, umaga ng March 29 na ginanap sa Agro Sports Center, Daet.

Ang aktibidades na ito ay ipinagkaloob sa mga miyembro ng Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI), mga kawani ng Provincial Local Government Unit (PLGU) at iba pa.

Ang programa para sa mga kababaihang ito ay bilang tanda na may kakayahan ang bawat kababaihan na maging bahagi ng positibong pagbabago para sa kaunlaran ng bawat komunidad na kanyang kinabibilangan.

Naglalayon rin na mabigyan ng pantay na pagtingin ang mga kababaihan gaya ng sa mga kalalakihan o ang tinatawag na gender equality at ang women empowerment. Pagkakataon din ito para bigyang importansya ang mga kontribusyon na ginagawa ng mga kababaihan mula sa sa iba’t ibang larangan.

Ipinamahagi ang iba’t ibang libreng serbisyo katulad ng mga gamot, gupit, dental services, libreng reading glasses, faceshields at iba pa.

“Maraming salamat sa Provincial Government sa inyong patuloy na paglaban at pagbibigay ng serbisyong tama ngayong panahon ng pandemya, malaking tulong sa aming parte ng kababaihan ang ganitong programa”, pahayag ni Mrs. Zenesa Macayan, Sta. Elena Chapter, KALIPI-Provincial President.

Naghatid rin ng mensahe at suporta sa mga kababaihan sina Acting Vice Governor Concon Panotes, Sangguniang Panlalawigan Board Members Stanley Alegre, Atoy Moreno at ilang kawani ng kapitolyo sa pangunguna naman ni Caravan Director Boy Reyes.

Tuwing buwan ng Marso ay ipinagdiriwang ang “National Women’s Month”. Ngayong taon may tema itong, “We Make Change Work for Women, Juana Laban sa Pandemya: Kaya!”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *