MOBILE LEGENDS TOURNAMENT NG LGU-DAET, INAABANGAN!

Magkakaroon ng pakompetisyon sa paglalaro ng Mobile Legends (ML) ang Lokal na Pamahalaan ng bayan ng Daet para sa mga kabataan sa naturang munisipalida.

Ito ang inanunsiyo ng Local Youth Development Office ng LGU-Daet sa pamamagitan ng official facebook page nito, kahapon.

Who will initiate retreat? Who will fight for the victory?โ€, ayon sa post ng naturang tanggapan.

Nakasaad din dito na abangan lamang at iaanunsiyo ang opisyal na petsa kung kailan gaganapin ang naturang Moblie Legends Bang Bang tournament.

Samantala, umani naman ito ng komento sa mga netizens, na nagpapakita ng interest sa naturang anunsiyo.

Ang pag-lalaro ng ML ay patok ngayon sa mamamayan partikular sa kabataan, hindi lamang sa bayan kundi maging sa buong bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.