MULTI SERVICES CARAVAN, NAGPAPATULOY SA PAGHAHATID NG LIBRENG SERBISYO

MULTI SERVICES CARAVAN, NAGPAPATULOY SA PAGHAHATID NG LIBRENG SERBISYO

Camarines Norte – Walang tigil sa paghahatid ng libreng serbisyo ang Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Egay Tallado katuwang si Congresswoman Josie Baning Tallado at Provincial Administrator Alvin Tallado.

Umaga ng April 7, 2021, tatlong barangay ang tinungo ng grupo ng Team Gawa at ito ay ang Tamisan sa Jose Panganiban, Submakin at Daguit ng bayan naman ng Labo.

Walang mapagsidlan ang kasiyahan ng tatlong barangay dahil muli silang napuntahan at nabisita ng Multi-Service Caravan, basahin ang mga pahayag ng mga Punong Barangays:

“Hanga ako sa pinapakitang pagmamahal ng Team Gawa, kung kaya bilang namumuno dito andito ako at lumalapit sa aking mga kabarangay na patuloy nating suportahan sina Gov. Egay at Cong. Josie sa tuloy tuloy na serbisyo para sa atin, napakaraming proyektong pinapakibangan na ng ating mga kababayan katulad na lang ng spillway at konkretong kalsada kung kaya’t malaki ang naging tulong sa ating ekonomiya kung kaya’t nagpapasalamat ako sobra”, pahayag ni PB Nora Sajol ng Submakin, Labo.

“Naramdaman namin ang walang patid na serbisyo hatid ng #TeamGawa at halos pabalik-balik sila sa aming barangay bitbit ang iba’t ibang tulong na pinapamahagi sa aking mga kabarangay kung kaya’t patuloy ang aming suporta at pagmamahal sa inyo Gov. Egay at Cong. Josie, silang nagbibigay ng totoong malasakit maabot lamang kaming mga nangangailangan”, mensahe ni PB Darwin Idanan ng Daguit, Labo.

“Mula sa kaibuturan ng aking puso, walang puwang ang pamumulitika lalung lalo na sa kinakaharap nating sitwasyon. Maraming Salamat sa Serbisyong Tallado sa pagbibigay tulong sa ating mga kababayan, hindi matutumbasan ang aking pasasalamat bilang isa ring Public Servant, sa ipinamigay na libreng Serbisyo lalo na mga foodpacks na pandugtong sa ating mga kabarangay. Ako po hindi kalinyada, hindi kaalyado bagamat laging talo sila sa ating barangay pero bilang Public Servant nakakaramdam ako sino ba talaga ang may pagnanais na maglingkod at totoong pagkalinga, yan ay ang Team Gawa”, pahayag ni PB Marieta Era ng Tamisan, Jose Panganiban.

Kasama sa ginawang Multi Services Caravan sina Board Members Bong Quibral at Aida Dasco. Gayundin, ang patuloy na suporta nina Former Board Member Muriel Pandi at Paracale Councilor Nestor Manarang sa naturang programa na ayon sa kanila malaki ang naitutulong nito ng ganitong programa lalo na’t libreng pinagkakaloob ng Multi Services Caravan ang iba’t ibang serbisyo sa mga sulok na barangay ng probinsya.Ang Multi-Services Caravan ay bahagi ng hakbangin ng Team Gawa upang makatulong sa mga pami-pamilya sa kabila ng pandemya sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng serbisyo

Leave a Reply

Your email address will not be published.