PRESENSYA NG NASA 5 BUTANDING SA KARAGATANG SAKOP NG MERCEDES, CAMARINES NORTE, KINUMPIRMA NG PROVINCIAL TOURISM OFFICE

PRESENSYA NG NASA 5 BUTANDING SA KARAGATANG SAKOP NG MERCEDES, CAMARINES NORTE, KINUMPIRMA NG PROVINCIAL TOURISM OFFICE

Muli na namang may natagapuang limang (5) butanding o whale shark sa karagatang sakop ng Barangay Cayucyucan, Mercedes, Camarines Norte, isang linggo makaraang may matagpuang dalawa (2) naman nito sa naturang lugar.

Ito ang kinumpirma ng Camarines Norte Provincial Tourism Office at ayon kay PTO Bong Palma, “The Gentle Giant finds it home in Camarines Norte.”

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2021/04/FB_IMG_1617779064882-150x150.jpg
http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2021/04/FB_IMG_1617779082715-150x150.jpg

Ayon kay Palma, matapos na makarating sa kanilang tanggapan ang presensya ng mga butanding sa naturang lugar ay nagsagawa sila ng site assessment and validation katuwang ang Mercedes Municipal Tourism Development Operations Center, Sangguniang Barangay ng Cayucyucan at mga local divers at doon nila nakumpirma ang presensya ng nasa limang (5) whale sharks (Rhicodon Typus) o mas kilala sa tawag na “Butanding”.

Una nang sinabi ni CN-Provincial Fishery officer Rolando Tiam na dati na raw mayroong nakikitang butanding sa karagatang sakop ng Mercedes partikular sa Canimog, Cayucyucan at Mambulangon areas.

Ayon din sa mga eksperto, pagkakaroon ng masaganang krill at plankton ay isa sa pangunahing rason kung bakit nananatili ang mga naturang butanding sa lugar.

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2021/04/FB_IMG_1617779079885-150x150.jpg
http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2021/04/FB_IMG_1617779077786-150x150.jpg

Isa rin umano sa mga rason ang pagkakaroon ng istriktong implementasyon ng mga batas laban sa illegal na pangingisda gaya ng Danish seine o buli-buli.

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2021/04/FB_IMG_1617779073125-150x150.jpg
http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2021/04/FB_IMG_1617779070002-150x150.jpg

Matapos ang isinigawang assessment ay nagpatawag ng pagpupulong ang PTO sa mga opisyal ng barangay Cayucyucan at mga residente nito partikular ang mga may-ari ng bangka kung saan hinikayat ang mga ito na magsagawa ng research and studies kaugnay nito at pangalaagaan ang mga butanding na pinaniniwalaang kalaunan ay malaki ang maitutulong sa turismo sa lalawigan.

(: Go Cam Norte Fb Page)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *