Tumanggap ng iba’t ibang libreng serbisyo ang anim (6) na mga barangay mula sa bayan ng Vinzons na inihatid ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte bitbit ang programang multi-services caravan, ngayong araw, April 8.
Ang tinungo na mga barangay mula sa nabanggit na bayan ay ang Barangay Sula, Cagbalogo, Sabang, Aguit-It, Matango at Manlucugan.
Kabilang sa mga natanggap na serbisyo ng mga mamamayan ay libreng gamot, food packs, gupit, dental services, reading glasses, tsinelas at iba pa.
Nagkaroon din ng pamamahagi ng faceshields para sa mga residente bilang tulong sa pag-iingat sa kasalukuyang kinakaharap na pandemya dulot ng COVID-19.
Ang programa ay pinangunahan ni Governor Edgardo Tallado, katuwang ang ilang kawani ng kapitolyo, Sangguniang Bayan Members at ang Caravan team sa pamumuno ni Director Boy Reyes.
Samantala, magpapatuloy umano ang paghahatid ng multi-services caravan sa iba pang mga lugar sa lalawigan sa mga susunod pa na araw.