MAYOR B2K, NAGLABAS NG PAALALA SA MGA BUMIBISITA SA BAGASBAS BEACH

MAYOR B2K, NAGLABAS NG PAALALA SA MGA BUMIBISITA SA BAGASBAS BEACH

Bilang paalala sa mga nagtutungo at pumapasiyal sa Bagasbas Beach, nagpaskil ng isang karatula ang LGU-Daet sa pamumuno ni Mayor Benito Ochoa na naglalaman ng mga dapat at hindi dapat na gawin habang nasa naturang lugar.

Unang-una sa ipinaalala ay ang pagsunod sa umiiral na minimum health safety protocols sa kasalukuyan o ang mga alituntuning pangkalusugan.

Nakasaad din dito ang paalala na bitbitin ang mga basura ng bawat indibiduwal at huwag ikalat sa karagatan.

Paalala rin ni Ochoa na kung maliligo man ay siguraduhin ang kaligtasan at maligo lamang sa nakatakdang layo kung saan mayroon namang matatagpuan na palatandaan.

Ipinagbabawal din ang paninigarilyo lalo na ang pagkakalat ng mga upos sa dalampasigan.

Kabilang din ang paalala na ang pag-inom ng anumang uri ng alak ay hindi pinahihintulutan sa karagatan.

Ipinaalala rin sa publiko na ang pagparada ng sasakyan sa seawall ay ipinagbababawal.

Layon nito na mapanatili ang kaayusan at kalinisan sa kapaligiran partikular sa Bagasbas Beach na isa sa mga pangunahing atrasiyon ng naturang bayan, maging ng lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *