ELECTRONIC BUSINESS PERMIT AND LICENSING SYSTEM, ILULUNSAD NG LGU-DAET

Pinaghahandaan ngayon ng Pmahalaang Lokal ng bayan ng Daet ang implementasyon ng Electronic Business Permit and Licensing System para sa mga mamamayan ng naturang bayan.

Kanina, isinagawa ang unang araw ng online 4-Da Intensive Users Training para sa ilulunsad na EBPLS sa pangunguna ng mga kawani ng BPLO.

Katuwang ng LGU-Daet ang Business Permit Licensing Office (BPLO) na isakatuparan ang proyekto sa pamamagitan ng pakikipag-koordinasiyon nito sa Department of Information and Communications Technology (DICT).

Layunin nito na mapadali ang pagrerehistro sa munisipalidad sa mga nagnanais na magnegosyo at upang mabawasan din ang face-to-face na interaksiyon na iniiwasan sa kasalukuyan buhat ng pandemya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.