GROUNDBREAKING NG P293M WORTH OF PROJECTS SA DUMAGMANG, LABO, ISINAGAWA NG PGCN

GROUNDBREAKING NG P293M WORTH OF PROJECTS SA DUMAGMANG, LABO, ISINAGAWA NG PGCN

Pormal nang pinasinayaan ang pagsisimula ng pagsasa-ayos ng kalsada sa Barangay Dumagmang, Labo na nagkakahalagang Php293M kasabay ng isinagawang Barangayan 2021 sa pamamagitan ng isinagawang Groundbreaking Ceremony sa pangunguna ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte.

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2021/04/FB_IMG_1618481408058-150x150.jpg

Kabilang sa paglalaanan ng nasabing pondo ay ang Construction of Concrete Bridge ng Tagkawayan-Labo Diversion/Bypass Road, Labo Section” na nagkakahalagang Php130M at “Construction of Tagkawayan- Labo Bypass/Diversion Road, Labo Section” na nagkakahalaga naman na Php93M at karagdagang Php70M.

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2021/04/FB_IMG_1618481402226-150x150.jpg

Isa sa mga nanguna at naki-isa sa aktibidad ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa pangunguna ni Provincial Director Ray B. Caceres, DILG, katuwang din si 1ST District Representative Josie Baning Tallado at iba pang National agencies.

Sinigurado naman ng DPWH (Department of Puclic Works and Highways), bilang tagapagpatupad ng nasabing mga proyekto na pasok sa standard na design specification ng ahensya ang isasagawang kalsada upang mapakinabangan ito nang matagal na panahon ng mga mamamayan partikular ng mga motorista at komyuter sa lalawigan.

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2021/04/FB_IMG_1618481408058-150x150.jpg
Bukod sa layon ng proyekto na makapaghatid ng ginhawa sa mga mamamayan ay magiging simbolo rin umano ang kalsadang ito ng pagpapatibay ng daan patungo sa kaunlaran hindi lamang ng mga komunidad kundi maging sa pakikibahagi sa pag-unlad ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *