LGU-DAET, NAGLABAS NG TALAAN NG DAPAT GAWIN BAGO, HABANG AT PAGKATAPOS NG BAGYO

Nagalabas ng talaan ng paghahanda sa pagharap sa posibleng paparating na mga kalamidad at sakuna ang LGU-Daet sa pamamagitan ng Daet Municipal Information office (MIO).

Partikular na nilalaman nito ang mga dapat gawin bago, habang at pagkatapos ng isang bagyo na mula sa Emergency Operarions Center ng Municipal Disaster  Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng naturang bayan.

Ayon dito, isa sa mga pangunahing kailangan ay ang pagkakaroon ng Go Bag na naglalaman ng mga mahahalagang dokumento, pagkain na madaling ihanda, inumin na tubig sa saradong lalagyan, flashlight, posporo at silbato, first aid kit, at iba pa.

Nakasaad din ang mga dapat gawin bago ang pagdating ng bagyo, ilan dito ay ang pagiging updated sa ballita maging sa radyo man o telebisyon, alamin kung saan maaaring lumikas, at ilikas ang mga alagang hayop.

Habang kasalukuyan naman na bumabagyo, pangunahin na paaalala ng LGU ay ang maging mahiahon at manatili lamag sa loob ng tahanan.

Ipinaalala din ang mga dapat na gawin pagkatapos ng bagyo, gaya ng maghintay ng abiso bago bumalik ng tahanan kung sakali man na lumikas, kabilang din ang pagiwas sa mga nakatumbang puno.

Ang kabuuang paalala ng MDRRMO ay matatagpuan sa facebook page ng Daet-MIO.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *