PAGHAHANDA SA TYPHOON BISING, ISINAGAWA NG MDRRMO-DAET

Nagdaos ng Pre Disaster Risk Assessment Meeting ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) – Daet kanina, 2:00 ng hapon, April 16, 2021.

Ginanap ito sa Liga ng mga Barangay Hall, LGU Compound, Daet, Camarines Norte.

Ito ay bilang paghahanda sa paparating na Typhoon Bising na inaasahan tatama at makakaapekto sa lalawigan.

Naging makabuluhan umano ang Pre Disaster Risk Assessment sa ilalim ng partisipasyonng MDRRMC Response Cluster.

Ang mga kinatawan naman ng naturang sektor mula sa 25 Barangays sa Bayan ng Daet ay dumalo rin sa naturang pagpupulong.

Leave a Reply

Your email address will not be published.