MULTI SERVICE CARAVAN, PATULOY PARING UMAARANGKADA; BAYAN NG LABO AT JOSE PANGANIBAN, BINISTA!

MULTI SERVICE CARAVAN, PATULOY PARING UMAARANGKADA; BAYAN NG LABO AT JOSE PANGANIBAN, BINISTA!

Matagumpay na nakapaghatid ng tulong sa mga mamamayanna ikinatuwa naman ng mga residente sa pamamagitan ng Multi Services Caravan noong April 15-16, 2021 sa bayan ng Labo at Jose Panganiban ang Team Gawa sa pangunguna ni Cong. Josie Tallado.

Tatlong barangay sa Labo ang personal na pinuntahan ng Team Gawa kasama na ang Brgy. Malatap, Bagong Silang I at Macogon, habang sa bayan naman ng Jose Panganiban ay ang Osmeรฑa, Bagong Bayan at Luklukan Sur.

Namigay ng tsinelas, reading glass, gamot at food packs bilang tulong sa mga nangangailang mamamayan ng mga nasabing barangay.

Ang Multi-Services Caravan ay isa sa pangunahing programa ni Governor Tallado na nagpapatuloy sa kasalukuyan simula nang siya ay manungkulan noong taong 2010 na sa kanyang paniniwala na ang kalusugan ay kayamanan hindi lamang ng isang indibidwal kundi ng ating bansa na ang katatagan, pagka-produktibo at kaunlaran ay nakasalig sa malulusog na mga mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.