Camarines Norte – Nitong nakalipas na linggo, 7 barangay mula sa bayan ng Labo at Jose Panganiban ang binisita nina Governor Egay Tallado ng Provincial Government of Camarines Norte 1st District Congresswoman Josie Baning Tallado at Provincial Administrator Alvin Jerome Baning Tallado – Camarines Norte bitbit ang mga proyekto, programa at ang Multi Services Caravan.
Nasa kabuuang 5,843 households ang nakatanggap ng libreng serbisyo katulad ng tsinelas, gamot, gupit, dental services, libreng reading glasses, faceshields, food packs at iba pa para sa mga barangay ng Dumagmang, Malatap, Bagong Silang 1 at Macogon ng Labo gayundin ang Osmeña, Bagongbayan at Luklukan Sur sa Jose Panganiban.Pagdating naman sa proyekto, pormal ng pinasinayaan ang isang makasaysayang aktibidades ang pagsasaayos ng kalsada sa Dumagmang, Labo, ang Groundbreaking nang nagkakahalagang Php293M kasabay ng isinagawang Barangayan 2021 kasama ang mga National Agencies mula sa sipag at tiyaga ng paghahanap ng pondo ng inyong lingkod, Governor Egay Tallado katuwang si Congresswoman Josie Baning Tallado.
Ang nasabing pondo ay ilalagay sa mga sumusunod: 1. Ang Construction of Concrete Bridge ng Tagkawayan-Labo Diversion/Bypass Road, Labo section CN na nagkakahalagang Php130M at;2. Construction of Tagkawayan- Labo Bypass/Diversion Road, Labo section na nagkakahalagang Php93M at karagdagang Php70M.
“Naniniwala po ang inyong lingkod na upang mapalakas muli ang ating lokal at nasyunal na ekonomiya, nararapat na matulungan ang ating mga kababayan pagdating sa madali ng paglalakbay ng indibidwal man o produkto. Magagamit rin ang kalsadang ito patungong Tagkawayan bahagi ng Quezon Province pag natapos na”, pahayag ni Provincial Director Ray B. Caceres, DILG na kung saan nanguna sa programa ng Barangay 202 na isinagawa sa nasabing barangay.
Nagsagawa rin ng Groundbreaking Ceremony ng Road Opening/Concreting of Barangay Road sa Macogon, Labo na nagkakahalagang Php50M na magsisimula sa Purok 4 patungong Sitio Pitong Gatang. Maglalaan na rin si Cong. Tallado ng pondo para sa proyektong spillway at ilalatag ito para sa taong 2022.Samantala, katuwang rin sa ginawang caravan sina Vice Governor-Elect Jonah G. Pimentel at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan na sina 1st District Board Members Artemio Serdon, Aida Dasco at ilang kawani ng kapitolyo na pinamumunuan naman ni Mr. Edgardo Boy Edgardo Reyes bilang Caravan Director.
Nakiisa rin sa aktibidades upang magbigay suporta sa Team Gawa sina Paracale Councilor Nestor Manarang ng Paracale at Former Board Member Muriel Pandi.Ang Philippine National Police ang nangasiwa at mahigpit na nagpapatupad ng health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield upang maiwasan ang posibleng pagkahawa mula sa COVID-19.Ang Multi-Services Caravan ay bahagi ng hakbangin ng Team Gawa upang makatulong sa mga pami-pamilya sa kabila ng pandemya sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng serbisyo.