CNPPO, MULING NANGUNA SA BUONG BICOL SA LARANGAN NG POLICE COMMUNITYT RELATIONS

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2021/04/FB_IMG_1618826294172-150x150.jpg


Muli na namang itinanghal bilang nangungunang yunit ng pulisya sa buong Bicol Region ang CNPPO (Camarines Norte Police Provincial Office) sa larangan ng Police Community Relations sa buwan ng Marso 2021.

Ito ay ayon sa isinagawang Unit Performance Evaluation ng PRO5 (Police Regional Office 5) para sa buwan ng Marso ng kasalukuyang taon.

Nakamit ang parangal sa ilalim ng pamumuno ni Provincial Director, PCOL Julius D Guadamor at pinuno ng Police Community Affairs and Development Office – PLTCOL Rogelyn Calandria.

Sa opisyal na facebook post ng CNPPO-Pulis Bantayog, sinabi na naging malaking tulong ang mga mamamayan at iba’t ibang sector ng lipunan sa lalawigan kung kaya’t naging matagumpay ang kanilang mga programa at naitawid ang mga mensahe ng “Serbisyo, Disiplina at malasakit” para sa isang Camarines Norte na mapayapa, progresibo at kaaya-aya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *