Natanggap na ng unang batch ng Senior Citizens na may edad 90-99 ang kanilang incentive mula sa Lokal na Pamahalaan ng Daet.
Kabuuang 15 senior citizens na lehitimong mga residente ng naturang bayan ang tumanggap ng P20,000.00 halaga bawat isa na nakabase sa Municipal Ordinance No. 368 Series of 2020.
Lahat ng mga may kapamilyang may edad na 90 hanggang 99 ay maaring direktang makipag-ugnayan sa mga Basca President ng kanilang Barangay para makasama sa validation ng mga tatanggap ng naturang insentibo.
Kabilang sa requirements na kailangang isumite ng isang beneficiary ay ilang mga certification na magpapatunay na sila nga ay lehitimong residente ng bayan ng Daet sa loob ng kaukulang bilang ng taon.
Ang mga sumusunod ang unang batch na tumanggap ng insentibo:
1.) Concepcion Carrascal – Barangay V
2.) Froctosa V. Viena – Barangay V
3.) Margarita Badaguas – Barangay V
4.) Flordeluz B. Hufancia – Gahonon
5.) Luisa J. Pante – Bagasbas
6.) Herminia T. DeVera – Barangay VI
7.) Crispina P. Estrella – Borabod
8.) Avelino Z. Panotes – Gubat
9.) Pantaleona P. Padua – Magang
10.) Felissa M. Malate – Camambugan
11.) Maura V. Dominguez – Pamorangon
12.) Socorro B. Martinez – Calasgasan
13.) Milagros R. Floresca – Barangay I
14.) Telesfora T. Perez – Barangay I
15.) Faustino A. Omana – Barangay VI