DISINFECTION NG MUNICIPAL COMPOUND NG LGU-DAET KONTRA COVID-19, ISASAGAWA!

Inanunsiyo ng Pamhalaang Bayan ng Daet, sa pamamagitan  ng Municipal Information Office (MIO) na sila ay magsasagawa ng  disinfection sa Municipal Compound ng LGU-Daet, mamayang hapon, April 26, 2021.

Ito ay bilang bahagi umano ng prevention at mitigation measures ng naturang bayan upang labanan at mapigilan ang pagkalat ng sakit dulot ng COVID-19.

Bunsod nito ay pansamantala muna umano na isasara sa publiko ang mga opisina sa loob ng compound at muli rin namang bubuksan bukas.

Pinaalalahanan din ang publiko na patuloy na sundin ang ipinatutupad na minimum health standard protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield, palagiang paghuhugas ng mga kamay, at social at physical distancing upang  maiwasan ang posibleng pagkahawa ng sakit na COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published.