MUNICIPAL COMPOUNG NG DAET-LGU, PANSAMANTALANG ISASARA SA PUBLIKO NGAYONG ARAW

https://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2019/06/DAET-MAP-608-150x150.gif

Pansamanatala na isinarado sa publiko ang tanggapan sa loob ng Municipal Compound ng LGU-Daet ngayong araw, April 26, 2021 base sa ipinalabas na anunsiyo ng Municipal Information Office (MIO).

Ito ay dahil sa isasagawa na disinfection sa naturang compound bilang bahagi ng pag-iingat sa maari na pagkalat ng sakit na COVID-19.

Bubuksan naman muli ang tanggapan at maaari na ipagpatulo ang mga transaksiyon kinabukasan, matapos ang aktibidad.

Patuloy naman ang paalala ng pamahalaan sa publiko na sundin ang mga alituntunin ng kinauukulan at ugaliin ang ibayong pag-iingat upang makaiwas sa naturang sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *