PNP-HPG, FRSRAP, NILINIS ANG MGA BASURA SA BAGASBAS BEACH

PNP-HPG, FRSRAP, NILINIS ANG MGA BASURA SA BAGASBAS BEACH

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2021/04/FB_IMG_1619427848296-150x150.jpg

Puspusan ang isinagawang paglilinis ng PNP-Highway Patrol Group at ng Full Spectrum Riders Association of the Philippines (FSRAP)-Camarines Norte Chapter sa Bagasbas beach nitong Sabado, April 25.

Ang clean- up drive ay pinangunahan ni HPG-Provincial Officer PMaj Joselito Quila at FSRAP Camarines Norte Chapter head-Regional Chairman Allan Joy Lee.

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2021/04/FB_IMG_1619427784137-150x150.jpg
http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2021/04/FB_IMG_1619427787328-150x150.jpg

Itinaon ng grupo sa kapistahan ng barangay ang isinagawang clean-up drive kung saan ibinida ng mga ito ang lawak ng nalinisan sa naturang lugar.

Bukod pa rito ay nakapag-sagawa na rin ng ilang serye ng tree planting activities ang grupo noong mga nakaraang araw.

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2021/04/FB_IMG_1619427830240-150x150.jpg
http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2021/04/FB_IMG_1619434084846-150x150.jpg

Ito ay bahagi ng community activity outreach program ng grupo tungo sa pangangalaga ng kalikasan kung saan nakapaloob ang tinatawag na Environmental Potection Activity sa komunidad.

Pokus nito ang mensahe sa mga mamamayan na “Maging bahagi ng solusyon at hindi ng polusyon.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.