13-ANYOS NA LALAKI, PATAY MATAPOS MALUNOD SA MANTIGBI BEACH, VINZONS

Hindi na umabot ng buhay ang isang 13-anyos na lalaki nang dalhin sa Panlalawigang Pagamutan matapos na malunod sa Mangtigbi Beach, Vinzons sa Camarines Norte bandang alas-6 ng umaga nitong sabado, May 1.

Ang biktima ay itinago sa pangalang Enzo, edtudyante at residente ng naturang bayan.

Batay sa report ng PNP, nagtungo ang biktima kasama ang pamilya nito at ilang mga kaibigan sa naturang beach upang magpicnic.

Habang naliligo sa beach, inanod ng malakas na alon sa malalim na bahagi ng karagatan ang biktima at hindi na nagawang makaahon.

Sinubukan itong sagipin ng apat na kalalakihan at nadala pa sa tabing dagat.

Isinugod pa ng MDRRMO sa pamahalaang panlalawigan ang biktima ngunit idineklara itong dead on arrival ng sumuring doktor.

Leave a Reply

Your email address will not be published.