Nakatakda nang tumanggap ng bakuna kontra COVID-19 ang mga nakatatandang mamamayan edad 60 pataas (A2 category) at mga may comorbidities (A3 category) sa lalawigan ng Camarines Norte.
Ito ay batay sa ipinalabas na opisyal na pahayag ni Acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco kaugnay ng mga kategorya ng mga susunod na babakunahan.
Kiankailangan lamang umano na magpalista sa kanilang mga health center ang mga mamamayan na nakapaloob sa mga nabangggit na kategorya upang mai-schedule ang kanilang bakuna.
Nakiusap din si Francisco na kung maaari ay sundin ang prioritization list ng pagbabakuna. Matatandaan na noong nakaraang buwan ng Marso ay nagsimula nang mabakunahan ang frontliners ng lalawigan o mga nasa ilalim ng A1 category