11 FARMHOUSEHOLD BENEFICIARIES TUMANGGAP NG TOTAL P110K MULA SA PGCN

Tumanggap ang 11 farmhousehold beneficiaries ng tseke na nagkakahalagang P10,000.00 bawat isa mula sa Pamahalaang Panlalawigan  ng Camarines Norte na isinagawa sa tanggapan ni Governor Edgardo Tallado.

Kabuuang P110,000.00 ang natanggap ng naturang mga benepisyaryo kung saan pinangunahan mismo ni Tallado ang pamamahagi.

Pito (7) sa mga ito ay mula sa bayan ng San Lorenzo (1st batch) at ang apat (4) naman ay mula sa bayan ng Talisay (2nd batch).

Katuwang ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamahagi ng naturang tseke ang OPAG sa pamumuno ni Engr. Almirante Abad at ang PAFC sa pamumuno naman ni Chairman Efren Mago.

Ang natanggap na assistance ay magsisilbing tulong sa mga benipisyaryo partikular sa kanilang pamilya ngayong kasasagsagan ng pandemya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.