7 RESCUE VEHICLE, IPINAMAHAGI NI 1ST DISTRICT REP TALLADO SA KANIYANG KAARAWAN

Pitong (7) multicab rescue vehicle ang ipinamahagi ni 1st District Representative Josie Baning Tallado nitong kaniya mismong kaarawan, Biyernes, May 7, 2021 para sa piling barangay sa Unang Distrito ng Camarines Norte.

Pinangunahan ni Congresswoman Josie Baning Tallado katuwang si Governor Egay Tallado ang Turn-Over Ceremony ng nasabing mga rescue vehicle.

Dumalo rin ang iba pang mga barangay officials upang maging witness sa isasagawang pamamahagi ng naturang sasakyan at ang pagpirma sa Memorandum of Agreement (MOA) na naglalaman kung paano mapangalagaan ang nasabing sasakyan.

Kasabay nito, ang pagbababasbas ng mga sasakyan na pinangunahan naman ni Rev. Fr. Chito Estrella.

Ang mga piling barangay na tumanggap ng emergency vehicles ay ang 1. Barangay Patag Ibaba ng Sta. Elena (PB Rex Venida) 2. Barangay Old Camp ng Capalonga (PB Samie Avellano) 3. Barangay Larap ng Jose Panganiban (PB Milagros Jumao-As) 4. Barangay Tulay Na Lupa ng Labo (PB Alex Zenarosa) 5. Barangay Malibago ng Labo (PB Rodel Soterio) 6. Capalonga Municipal Coordinators at; 7. Labo Municipal Coordinators.

Layunin nito na makatulong na masiguro na abot kamay ng barangay ang pagtugon sa oras ng pangangailangan, mas mapaigting pa ang iba’t ibang serbisyo para sa kapakanan ng kanilang nasasakupan, magamit sa pagresponde sa oras ng kalamidad at mahing sa pagpapatrol upang masiguro ang kaayusan at katahimikan ng barangay.

Ayon pa kay Congresswoman Tallado, kanya lamang ibinibalik ang tiwala na ipinagkaloob sa kanya at patuloy na suporta ng kanya ng mga kababayan upang mabigyan ng mandatong makapaglingkod sa mga namamarangay.

Kung matatandaan, nitong nakalipas na taon lamang, 2020, limang (5) rescue vehicle ang ipinamahagi rin ng kongresista para sa Unang Distrito kung kaya’t 12 emergency vehicle na ang naipamahagi sa kabuuan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *