MAHIGPIT NA PAGPAPATUPAD NG QUARANTINE AT ISOLATION, PANAWAGAN NG PHO SA LGUs

Nanawagan ang Provincial Health Office (PHO) – Camarines Norte sa pamamagitan ni acting Provincial Health Officer at Incident Commander for Health Dr. Arnel Francisco, sa Local Government Units (LGU) ng lalawigan na paigtingin ang mas mahigpit na pagpapatupad ng quarantine at isolation upang maiwasan ang lalo pang pagkalat ng COVID-19.

Nakapaloob ito sa ipinalabas na kalatas ng PHO, Republic Act 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act na importanteng maipatupad ng mga Lokal na Pamahalaan.

Ito ay matapos umano na magkaroon ng “significant” na pagtaas ng kaso ng naturang sakit sa lalawigan nitong mga nagdaan na linggo.

Ilan sa mga nakikitang dahilan ay ang pagkakatuklas ng mas nakakahawang variants ng naturang sakit at ang pagkapanatag ng mga tao dahil sa rollout ng vaccination program kung kaya’t ipinagwawalang bahala na ang mga health protocols.

Sa ngayon, pokus ng mga kinauukulan ang proper contact tracing, monitoring, quarantine at isolation ng mga infected at na- expose sa sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *