Pormal nang ipinamahagi ng Pamahalaang Bayan ng Daet ang 25 na Shredder Machine para sa 25 na barangay sa naturang bayan nitong Huwebes, May 20, 2021.
Bawat barangay sa naturang bayan ay tumanggap ng kani-kanilang Shredder Machine.
Aktwal na sinubukan at pinagana ng mga dumalo na kawani ang mga makina kung saan dinurog ang mga basura kagaya ng mga plastik na bote, maging ang mga babasagin.
Matapos na durugin ang nasabing mga basura ay maari na itong gawing hollow blocks o bricks na maaaring pakinabangan at pagkakitaan sa pamamagitan ng pagtitinda ng mga ito o bilang isang IGP (Income Generating Project) ng mga barangay para sa mga mamamayan.
Pangunahin na layunin ng nasabing programa na mabawasan ang pagkalat ng mga basura at makamtan at makamtan ang malinis na kalikasan partikular sa naturang bayan.
Personal na dinaluhan ni Daet Mayor Benito Ochoa ang pamamahagi, gayundin sina Municipal Administrator Joan Kristine De Luna, MENRO Ronaldo Paguirigan, Chief Rene Rosales at ang mga kawani ng JFGR Trading.