BICOLANANG GURO NA SUMUNGKIT NG NATGEO AWARD, PINURI NI DEPED SEC. BRIONES

Tumanggap ng papuri mula kay Deparment of Education (DepEd) Secretary Leonor Magtolis Briones ang isang bicolanang guro matapos itong sumungkit ng prestihiyosong parangal mula sa ginanap na 2021 National Geographic (NatGeo) Awards.

“I would like to congratulate Ranielle Navarro, who received the National Geographic (NatGeo) Awards. I would also like to greet our teachers who are excelling everywhere both in the public and private sector,” ani Briones sa ginanap na virtual regional press conference sa Region V nitong nakaraang Biyernes, May 14 na may temang “EduAKSYON: Aksyon at Solusyon para sa Edukasyon”

Si Ranielle Navarro, Teacher III ng Albay Central School (ACS) ay isa sa mga nagwagi sa NatGeo Awards kaugnay ng pagpapalawak ng pag-aaral sa gitna ng pandemya na COVID-19 sa pamamagitan ng kaniyang makabagong environmental project para sa mga mag-aaral.

Ang proyekto ni Navarro ay tinawag niya na “A Call to Solution: Goals for Environmental Oversight (ACS Geo).” na naglalayon na mahasa at mahikayat ang mga mag-aaral sa larangan ng siyensya at pamamahayag.

Bukod sa parangal, tumanggap din ng sampung (10) tablets si Navarro mula sa National Geography Society na ipinamahagi naman nito sa mga mag-aaral ng ACS na binigyang diin din ni Briones nang kilalanin ang guro.

Kaugnay nito, bago pa man natanggap ni Navarro, 29-anyos, ang naturang parangal ay una na itong tinanghal bilang isang Certified NatGeo Educator noong nakaraang taon, 2020.

“The overwhelming acknowledgement of this feat only validates the efforts of SDO Legazpi City to inspire our learners and educators despite the difficulties that we have,” saad ni Navarro.

Matapos pasalamatan ang DepEd at mga mag-aaral, inihayag din niya ang kaniyang pasasalamat sa kaniyang mga kapwa guro sa ACS at sinabi na “I am only but one but with you, I will be able to deliver this activity,”.

(?????? ???????? ?? ????? ???????????, ????? ?????)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *