LIBRENG LET REVIEW, HANDOG NG PGCN SA MGA CAM NORTEÑO

Popondohan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte ang Licensure Examination for Teachers (LET) Review ng mga nagnanais na maging isang lisensyadong guro sa lalawigan para sa gaganapin na Licensure Examination sa September 26, 2021.

“Libreng LET Review; Handog sa Inyo Program”, ito ang inanunsiyo ng PGCN sa pamamagitan ng facebook page ng Provincial Youth Development Office kanina, May 21, 2021.

Unang 50 reviewees ang tatanggapin at maisasama sa face-to-face review, kinakailangan lamang na magtungo sa tanggapan ng PYDO, 2nd floor, Agro Sports Center, Daet Camarines Norte upang makakuha ng slot reservation.

Samantala, i-eere rin naman online ang isasagawa na pagrereview sa pamamagitan ng Facebook Live gamit ang kanilang facebook page ng PYDO.

Magsisimula ang review sa June 19 hanggang sa September 12, 2021, 9:00 ng umaga tuwing Sabado at Linggo sa Little Theater, 2nd floor, Agro Sports Center, Daet, Camarines Norte.

Maaari rin na magpadala ng mensahe sa e-mail address ng naturag tanggap sa youthdc.cn@gmail.com.

Leave a Reply

Your email address will not be published.