DAET MPS, NAKIISA SA COUNTER WHITE-AREA OPERATION PROJECT TABANG NG PNP

Nakiisa ang Daet Municipal Police Station inilunsad na Counter White-Area Operation-Project Tabang ng Philippine National Police kahapon, May 23, 2021 sa Barangay Alawihao, Daet, Camarines Norte.

Nagsimula ang aktibidad ng alas 6:00 ng umaga sa pangunguna ng Daet MPS sa pamumuno ni PLT Flory Jane C Consuelo at mga miyembro ng police trainee kasama ang iba’t ibang organisasyon sa naturang barangay.

Maging media personnel na halos mga miyembro ng Camarines Norte Unang Bantayog Press Club ay nakiisa sa isinagawa na massive clean-up drive.

Samantala, unang araw pa lamang ito ng mga sunod sunod na isasagawa na clean up drive at rehabilitation ng mga drainage sytem ng nasabing barangay.

Layunin ng PNP at ng DMPS na mapaganda ang ideal plan ng PNP Patrol Plan 2030 sa pamamagitan ng Intensified Cleanliness Policy program ng PNP.

Pagsisiguro rin ng mga kawani na magpapatuloy ang gagawing paglilinis sa kanilang Barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published.